Home » Press Release » Nakaw Na Sandali

Nakaw Na Sandali

Gusto kong magnakaw .

iStock_000000188456_Large

Ngunit masisi niyo ba ako kung kayo ang nasa kalagayan ko? Minsan ba ay naranasan niyo nang
mawalay sa taong minamahal? Yung alam mong buhay siya ngunit daig pa ng kanyang katamhimikan ang isang patay? At ang maramdamang unti-unti ng nasisira ang iyong mga pangarap na kasama ninyong binuo. Alam ko ang pakiramdam na iyan dahil minsan ko na itong naransan. At maaaring habambuhay ko na ring iindahin ang sakit na dulot nito kung hindi ko hahamakin ang lahat maging ang MAGNAKAW.

iStock_000052170430_Large

Hindi ito magiging sulating puno ng galit at puot sa puso. Sawa na kasi ako doon. Tama na ang
lampas labindalawang taon simula nung iwan kami ng ama namin para maging manhid ang puso ko. Sa
totoo lang, gusto ko lamang malaman niya ang matagal ko ng gustong iparating sa kanya na hindi ko
lang magawa-gawa dahil sa mahal ng babayaran ko dahil sa overseas call nga ito.

Noon, namuhay akong isang prinsesang puno ng pagmamahal ng kanyang amang Hari at Inang Reyna
habang tinatahak ang daan tungo sa prinsipe ng aking buhay. Ngunit syempre hindi muna ang prinsipe
ang tatalakayin ko ngayon kahit na gustong-gusto ko.

happy Father and little girl

Lagi kaming magkasundo ni Papa at laging magkasangga sa anumang bagay. Sabi nga nila mas malapit daw ako noon sa kanya dahil may sarili kaming pagkakaintindihan at koneksyon. Sa kanya ko raw ata nakuha ang pagka ‘jologs’ ko sa buhay. Kada pag-uwi niya sa bahay ay sinasamahan niya akong maglaro.

happy family with colorful kite

At tuwing Sabado, magkasama kaming umuupo sabay kinakanta ang paborito naming awitin na “Gatyu belib in”.

Ngunit isang araw ay nagbago ang takbo ng fantaserye ko na sanang buhay. Gumising na lamang akong may kaharap na mga bagahe at maleta sa ibabaw ng kabinet. Naisip ko, ito na ba ang usong bag
ngayon? Sana ganun na lang talaga, pero hindi. Sa araw na iyon naglaho lahat ng pangarap at
paniniwala ko. Kasi, kasabay ng malalaking bag na iyon ay ang pagtangay sa akin ng isang kalaro,
karamay, kaibigan at ama.

Man at the Airport with SuitcaseNilapitan ko siya. Bawat hakbang, isang patak. Bawat patak, sobrang sakit. Habang nasa kalagitnaan na ako papunta sa kanya, bigla akong napahinto. Hindi ko pala kaya. At nung mga panahong nasa harap ko na siya nagsibagsakan na ang mga traydor kong luha. Wala na akong ibang nasabi kundi “Pa, sama na lang ako sayo. Sige na pa, sama na lang ako sayo please . Please.. “.

Yun ang unang Paskong nawalay siya sa amin. Ang Paskong tatlong pinggan lamang ang inihain namin sa mesa pagsapit ng Noche Buena. Nakakapanibago ngunit ito ay naulit ng naulit hanggang sa nasanay na ako. Di kalaunan ay natuklasan kong permanente na pala ito. Madalas kong tinatanong kung bakit at paano niya nagawang iwan kami noon. Ngunit ngayon mas naglalaro na sa isipan ko kung paano siya nabubuhay at nagdiriwang ng Pasko na ‘di na kami ang kasalo.

iStock_000037254734_Large

Umalis daw siya upang mabigyan kami ng magandang buhay pero mahirap intindihin ‘yon noon. Kaya
iniisip ko na lang na lagi siyang nakasakay sa bawat eroplanong nakikita ko sa himpapawid.
Tumatakbo ako at hinahabol ko ito habang sinisigaw ang “Papa! Papa! Hello Pa! I miss you!
Pasalubong!Balik ka na dito! Babaaaaay!”. Akala ko kaya kong lokohin ang sarili ko sa teorya ko sa
mga eroplano ngunit hindi. Wala pa rin akong amang katabi sa pagtulog.Little girl running on meadow with sunset

Ngayon gusto ko siyang makita at mahagkan. Sasabihin ko sa kanya ang mga pangyayari sa buhay ko. Kung paano ko nalaman na “Got to believe” pala ang tamang titulo ng kanta.
At ang pinakanakakadismayang parteng hindi niya nasaksihan, ang mga sandaling
napatunayan kong tama siya nung sinabi niyang “Maganda ang timbre ng boses mo ……… Subukan mo na
lang pumasok sa tono”, pambihirang buhay ‘to!

“Ikaw man ay amang ipinagkait sa akin ng panahon at pagkakataon, gusto kong malaman mong mahal
kita at napatawad na kita sa matagal ng panahon. Mabigyan lang ako ng isang sandaling kasama ka
wala na akong ibang gagawin kundi ang punuin ito ng masasayang alaala. Nais kong malaman mong
nandito lang ako naghihintay sa’yo at sabihing – Anak, para sa iyo ako’y nagbabalik”.

Father and Daughter Playing Together at the Beach at Sunset

Comments

comments


Leave a comment