Home » Lifestyle Trends » M.U- Mag-isang Umiibig </3

M.U- Mag-isang Umiibig </3

M.U- Mag-isang Umiibig

Bago mo tuluyang basahin to, huhulaan ko. Huwag mong sabihing isa ka lang sa milyon-milyong tao na nabiktima rin tulad ko?

 

O tama na iyang pagngiti, sabi na nga ba eh!

Well, ganyan nga siguro talaga ang buhay. You really can’t have it all.

Naranasan niyo na bang umibig at ibigin? Ako kasi oo. Ngunit ang malaking pagkakamali ko lang ay yung bahaging inakala kong ako rin ay kanyang iniibig.

Yung feeling mo na pareho kayo ng nararamdaman, iyon pala masyado lang malawak ang iyong imagination. Yung feeling na binibitbit niya yung bag mo tuwing uwian pero ginagawa pala niya ‘yun sa lahat ng babaeng kaklase mo. Yung feeling na akala mo magtatapat siya sayo dahil pawis na pawis at nangangatog siyang nakatutok sa iyo ngunit ang totoo ay mangungutang lang ng pamasahe.

Yung feeling na feel na feel mo na love letter na ang ibinigay niya sa’yo sa high school graduation pero nakita mo ang iba mo pang mga kaibigan na may hawak ding kaparehong-kaparehong liham.

 

 

Yung feeling na akala mo magiging kayo na, ‘yun pala talagang feeling mo lang yun lahat!

Masakit? Nakakatawa? Relate much? Di ko kayo masisisi, it’s like an epidemic disease sa mga babae sa kapanahunan ko. Assumera, best in Assuming Awards, Hopya at iba pa. Iyan iStock_000036410142_Largeang tawag sa akin ng mga kaibigan ko matapos nilang malaman ang katangahang ininda ko sa apat na buong taon sa hayskul.

 

Di niyo naman siguro ako masisisi. Kung di lang din naman kasi siya parang traffic enforser na laging nagbibigay ng signs eh di sana di na napadaan at huminto ang puso ko sa kanya.

 

He’s my bestfriend.

 

Lahat na ata ng tao sa campus namin ay akala na kami na maliban sa kanya. Ikaw ba naman ang ihatid sa kanto ng bahay niyo araw-araw( dahil magkasunod lang ang kanto namin pero kahit na!), ang itext at kumustahin araw-araw, ang bigyan ng daily supply ng papel dahil tinatamad kang kumuha sa bag mo, at laging sinasamahan sa mga lakad at school activities. Kitams? Aminin mo na kasi, di mo rin ako masisisi. I assumed because he made me do so, maybe without him knowing.

I thought we had mutual feelings for each other. Naalala ko pa nga yung araw na nagtext siya sa akin ng “I love you”. Yun pala, it’s a group message.

Iyong tipong isesend mo sa lahat and then huhulihin mo kung ano ang magiging reaksyon nila.    Muntikan na nga akong magreply ng “I love you too” eh.

Ang daming beses na siguro akong nag-assume na aamin na siya, at maraming beses na rin akong umuuwing umiiyak mag-isa. How can I be wrong if it just felt so right? Sa apat na taon ko sa hayskul, apat na taon din pala akong umaasa sa wala. Naturingan pa naman akong Batch Valedictorian pero mukang isa lang ako sa mga patunay sa kasabihang “ang taong matalino, bobo pagdating sa pag-ibig”. Pero siyempre, di ko na hahayaang mangyari pa ulit iyon. Nadala na ako. Di na ako naniniwala sa M.U na iyan. Kasi it’s either it won’t work out in the end, or you will just choke each other’s privacy or you will end up saying “Hay! Akala ko Mutual Understanding yun pala hindi.”flower of love - purple

Dahil ang totoo ikaw lang ang Mag-isang Umiibig. Kahit gusto mo siyang damayin sa kalokohan mo, di mo magawa.OLYMPUS DIGITAL CAMERA Ang puso di naman kasi parang utak na natuturuan kung sinu-sino ang dapat mahalin.

 

O ha! Ang karanasang ito ay para sa mga katulad kong nabiktima ng walang kamalay-malay. Di naman masama ang magkagusto, ang masama lang eh iyong ini-edit mo na ang love story niyo kahit wala pa man ding nangyayaring totoo. Masarap mag-imagine, pero mas masarap balikan ang mga happy moments niyo kung ito ay totoo.

couple running on the beach

Comments

comments


Leave a comment